Top

Special Edition   |   Download   |   June 15, 2011
New Release

13th VerseTitle : Liwanag (Original Version)
Artist : Kape and 13th Verse
Chorus: Pol-G and Kape
Verse 1 : Jha (Daryll-G)
Verse 2 : Troy
Chorus: Pol-G and Kape
Verse 3 : Sangee
Verse 4 : Kape
Chorus: Pol-G and Kape


Kape & 13th Verse
Liwanag (Original Version).mp3  |  Download here Kape
Comments | Special Edition | June 15,2011
LYRICS: LIWANAG


Pol-G Chorus 2x:

Bukas ang aming palad sa trahedya na laganap
Aantabay sa pagsubok ( na ngayon nagaganap )
Nagdilim ang mga ulap, muli itong sisinag
Bubukas din ang pintuan ( kalakip nito'y liwanag )

Jha Verse:

May bagong balitang nasalanta ang bayan
ng isa sa nakalista sa mga mayayaman
ang tanong ko'y kumusta? Ano nang kalagayan?
ng mga taong lumasap sa bagsik ng kalikasan

inanod na pala ng burak kanilang naipundar
nasundan pa ng pagsabog ng mga plantang nukleyar
dumarami na ang gutom sa tubig ay mga uhaw
nagtitiis sa kamisetang 'di mapigil ang ginaw

Troy Verse:

pagkat napinsala ng grabe ang siyudad na niragasa
ng nag-lalakihang alon, tinangay ang mga bata
iyakan ang magulang 'di magkandaugaga
agwat lang ay sigundo na takasan ang trahedya

libo-libong mga tao,ngayon ay hinahanap
masama naring, hangin kanilang nalalanghap
damay na pati pagkain, wasak din ang tahanan..
nasayang ang katas, ng kanilang pinaghirapan

Repeat Chorus 2x:

SanGee Verse:

Nais kong ipaabot ang aming pakikiramay
Sa trahedyang dumaan maraming sinawi na buhay
Bahay ari-arian naglahong parang bula
Nagibang mga gusali na lindol ang may likha

Dama ko ang kalungkutan dahil sa pagluluksa
kung maaari lang na ang probelmang to ay mapuksa
Alam kong makakabangon at muli din giginhawa
Manatiling matatag habang buhay ay may pagasa

Kape Verse:

Kaya kayo'y muling umahon at labanan ang panganib
wag sumuko sa pagsubok na ngayon ay nakalawit
kayanin ang hamon ng buhay na natatamasa
ng masilayan ng liwanag at ng himala

Dinadamayan ang kanilang sakit at pagdurusa
dalangin ko'y idaos lutasan ang masama
ng gumaan ang pasanin ng kanilang mga problema
patungo sa kaligtasan, ng bawat isa

Repeat Chorus 2x:

Music and lyrics are legally owned by Kape and 13th Verse.
Title : Liwanag
Artist : Kape and 13th Verse
Chorus: Pol-G and Kape
Verse 1 : Jha (Daryll-G)
Verse 2 : Troy
Chorus: Pol-G and Kape
Verse 3 : Sangee
Verse 4 : Kape
Chorus: Pol-G and Kape

Duration: 4:07 min
Bit rate: 320 Kbps
Audio: 16 Bit, Stereo, 44.100Hz
File Size: 9,42 Mb
Lyrics : Kape and 13th Verse.
Composed & Beat by : M.C.I. del Rosario Medel "Kape"
Produced by : Kape
Recorded in : A-Syan Recordz
Location: Mabalacat, Pampanga, Philippines
Released by : A-Syan Recordz & Dongalo Wreckords
Year : June 15, 2011

2011 A-Syan Recordz Studio International Corporation.
All rights of the producer and owner of the work
produced reserved. Unauthorized copying, hiring
lending or public performance and broadcasting prohibited.

A-Syan Recordz © copyright 1997-2011
www.asyanstudio.com

tel : 09053438621 ( Philippines )

↑ Back to top